“Kagalingan para sa mga kababayan nating walang sariling tirahan”
Para sa ilulunsad na Housing Project sa Lungsod ng Tanauan, muling nagkaroon ng pagpupulong ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama ang mga opisyal mula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa pangunguna ni USEC Atty. Lyle Pasco.
Pinag-usapan dito ang pagbuo ng Technical Working Group para sa pre-evaluation sa mga kababayan nating magiging benipisyaryo ng naturang proyekto. Kasado na rin ang plano ritong gawing 12 Storey Building upang mas maraming Tanaueño ang mahahandugan ng programang pabahay ng Pamahalaang Lungsod.
Sa isang banda, nabanggit ni Atty. Lyle na ang Lungsod ng Tanauan ang kauna-unahang lugar sa Pilipinas na nabigyan ng prayoridad ng Pamahalaang Nasyunale dahil sa masigasig na pagsunod ng ating lokal na pamahalaan sa regulasyon at pamantayan ng DHSUD.
Samantala, bahagi ito ng 7 Rays Priority Projects ni Mayor Sonny upang mahandugan ng maayos na tirahan ang mga kababayan nating lubos na nangangailangan at layong maabot ang misyon ng Pamahalaang Lungsod na maging ‘Zero Informal Settler Families’ ang Tanauan.