Junior MPBL held in Tanauan to Inspire Tanauan’s Athletes

Junior MPBL, kasalukuyang ginaganap sa Lungsod ng Tanauan!

Bilang katuparan sa pangarap ng bawat atletang Tanaueño, muling ginanap sa Lungsod ng Tanauan ang Junior MPBL na nilahukan ng mga manlalaro mula sa ating Rehiyon.

Pamamaraan ito ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes upang bigyang motibasyon at inspirasyon ang ating mga kabataang nangangarap na makasali sa mga palarong nasyunal katulad nito.

Samantala, naging kabahagi ng matagumpay na programa ang ating City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao at inihayag ang taos pusong suporta para sa ating mga atleta sa pamamagitan ng pagbuo ng iba’t ibang programang makatutulong na mapayabong ang Sining at Sports sa Lungsod ng Tanauan.

#MPBL

Previous CBMS Training and Census of Population 2024 in Tanauan

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version