TESDA Graduates received cash allowance from Mayor Sonny

Cash Allowance para sa ating mga TESDA Graduates!

Bilang suporta sa edukasyon at pangarap ng ating mga Tanaueno, personal na ipinaabot nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang DepEd Tayo – DepEd Tanauan City ang Cash Allowance para sa 124 na nagtapos ng TESDA Technical-Vocational-Livelihood course.

Ang naturang programa ay sa ilalim ng Special Education Fund ng Pamahalaang Lungsod na layong tugunan at suportahan ang pangarap ng ating mga kabataan para sa kanilang piniling larangan. Kabilang na rito ang Housekeeping, Bread and Pastry, Cookery, Bartending, Food and Beverage Service, Computer Systems Servicing, Automotive Servicing, Shielded Metal Arc Welding at Electrical Inst. & Maintenance.

Sa mensahe ng ating Punong Lungsod, kaniyang ipinaalala sa mga nagsipagtapos ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat isa. Binigyang diin niya rin na patuloy pa ang kaniyang isinasagawang hakbang para sa pagbuo ng mas malawak na programa sa sektor ng edukasyon, upang iparamdam na palaging nakaagapay ang Pamahalaang Lungsod para lahat ng pamilya sa Tanauan ay makapagpataos ng anak sa kolehiyo.

Previous Tanauan’s Emergency Preparedness and Disaster Resiliency

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version