Monthly 10kg rice for Tanauan City Gov. employees

Bigas para sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, muling ipinamahagi!

Sa pangunguna ng ating butihing Mayor Sonny Perez Collantes katuwang sina City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao, at Tanauan CSWD sa pamumuno ni Ms. Vickie Javer, inumpisahan na muli ang buwanang pamamahagi ng tig-sampung kilong bigas (10kg per employee) sa bawat kawani ng Pamahalang Lungsod.

Ito ay buwanang ayuda para sa mga pamilya ng mga kawani na inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod alinsunod sa Executive Order No. 44 o ang ‘Walang Gutom 2027: Food Stamp Program’ sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Samantala, kabilang lamang ito sa mga programa ni Mayor Sonny bilang pangangalaga sa ating mga kawani para sa kanilang sakripisyo at dedikasyon sa paghahatid ng subok at maaasahang serbisyo sa ating mga kababayang Tanaueño.

Previous Junior MPBL held in Tanauan to Inspire Tanauan’s Athletes

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version