CBMS Training and Census of Population 2024 in Tanauan

๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ ๐‚๐ž๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐๐จ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐ ๐‚๐๐Œ๐’ ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐ , ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฌ๐š ๐‹๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐  ๐“๐š๐ง๐š๐ฎ๐š๐ง!

Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw ang 2024 Census of Population at Community Based Monitoring System para sa 79 enumerators mula sa ibaโ€™t ibang barangay sa Lungsod ng Tanauan.

Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang City Planning and Development Office at Philippine Statistics Authority (PSA) upang mabigyan ng kauukulang kaalaman ang mga enumerators sa tamang pagkuha ng datos sa mga mamamayan sa Lungsod ng Tanauan.

Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang binigyang-diin ang kahalagahan ng nasabing programa. Aniya, ang makokoletang datos at impormasyon ang magiging basehan ng ating pamahalaan sa pagplano at pagbuo ng ibaโ€™t ibang polisiya at programang sa bawat sektor.

Inanyayahan din ni Mayor Sonny ang lahat ng mamamayang Tanaueรฑo na makiisa sa pamamagitan ng pakikilahok at pagpapalista upang makalikom ng komprehensibong datos tungkol sa populasyon at kalagayan ng bawat sambahayan upang mapabuti ang mga serbisyong pampubliko at mga programang pangkaunlaran.

Samantala, kabilang rin sa nakiisa sa nasabing aktibidad ay si City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao at mga kinatawan mula sa ibaโ€™t ibang sektor na katuwang ni Mayor Sonny sa paghahatis ng serbisyo para pamilyang Tanaueรฑo.

#CBMSTanauanCity

Previous Tanauan Birthday Cash Gift for PWDS and Senior Citizens

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version