Ika-30 Taong Selebrasyon ng National Children’s Month, Tagumpay na ipinagdiwang sa Lungsod ng Tanauan
Ngayong araw, Tagumpay at masiglang pinasinayahan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes at ng ating masisipag na mga Child Development Workers ang ika-30 taong Selebrasyon ng National Children’s Month sa Lungsod.
Sa ginanap na Culminating Activity, nagpakitang-gilas ng kani-kanilang mga talento ang ating mga cute na Kabataang Tanaueño.
Habang hinimok naman ni Mayor Sonny Perez Collantes ang lahat ng dumalo, kabilang na ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod na makiisa sa mga interbasyon at programang isinusulong ng lokal na pamahalaan upang mapanatiling malusog, protektado at napapangalagaan ang karapatan at kagalingan ng mga bata sa Lungsod
Kabilang din sa dumalo sa nasabing aktibidad ay sina Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes na nagsilbing kinatawan ng ating Ina ng Ikatlong Distrito ng Batangas Congw. Maitet Collantes, CDW Federation President Ms. Veronica Gutierrez, Social Welfare Officer Ms. Virginia Tordillos at buong miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Bukod sa mga inihandang palaro ng McDonald’s para sa mga bata, isa-isa rin na binigyan ni Mayor Sonny ang lahat bata ng mga tokens na kanilang magagamit sa amusement arcade.