VAW Art Exhibit sa Victory Mall – Tanauan City, handog ng Pamahalaang Lungsod bilang pakikiisa sa 18 Day campaign to End Violence Against Women!
Kaugnay ng pagpapatuloy ng Annual Obervance of 18 day campaign to End Violence Against Women, tagumpay ang isinagawang ribbon cutting ceremony sa pangunguna ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes para sa Interactive VAW Art Exhibit sa Victory Mall – Tanauan City.
Dito, inihayag ng ating butihing Mayor na patuloy niyang bibigyang proteksyon at pahahalagahan ang karapatan ng bawat kababaihan sa Lungsod at lilikha ng mga programa na kikilala sa kakayahan at husay sa sektor ng mga kababaihan sa Tanauan.
Ito ay nilahukan din ng mga barangay functionaries, kawani ng Philippine National Police at mga abogado mula sa Public Attorney’s Office kung saan nagkaroon ng libreng legal consultation bilang pakikiisa sa nasabing programa.
Bukas naman ang naturang exhibit hanggang December 02, 2022. Habang, Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa mga palaro na nandito kapalit ng mga IEC Materials na ipamimigay katulad ng tumbler, tote bag, cap at Flashdrives.