Ika-159 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat. Apolinario Mabini, ginunita sa Lungsod ng Tanauan!
Bilang pag-alala sa natatanging buhay at kontribusyon ng ating bayaning Tanaueño ngayong araw, sama-samang nakiisa at nag-alay ng bulaklak ang iba’t ibang samahan at ahensya sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes , panauhing pandangal, at Cong. Ralph Recto sa ika-159 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat. Apolinario Mabini.
Ayon kay Mayor Sonny, bagaman kilala na natin bilang Utak ng Higmasikan si Gat. Mabini mas makikilala natin ang kaniyang kontribusyon sa pamamagitan ng pagsasabuhay nito gamit ang mga programang mag-aangat sa pamumuhay ng ating mga kababayan.
Binigyang-diin naman ni Cong Ralph ang malalimang pagtalakay ng buhay ni Gat. Mabini sa pamamagitan ng komprehensibong pagtuturo nito sa mga paaralan katuwang ang ating mga guro.
Habang ayon kay National Historical Commission of the Philippines Chairperson Dr. Emmanuel Calairo, mahalaga umanong gamitin ang mga makabagong teknolohiya upang malaman ng publiko at ng bagong henerasyon ang kaniyang mga ambag sa kasarinlan ng bansa.
Kabilang din sa nakibahagi sina Batangas Vice Governor Mark Leviste, Bokal Fred Corona, Bokal Rudy Balba, Former Mayor Paquito Lirio, TWCC President Atty. Cristine Collantes, Liga ng Barangay, PNP, BFP at mga kaanak ng ating bayani sa pangunguna ni Talaga Brgy. Capt. Rico Talagsad.
Samantala, naghatid naman ng makabuluhang bilang si Mr. Bro. Ericson Malibiran ng JPL Masonic Lodge 325 at N-Krew.