Bilang pag-alala ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa husay at talino ng isa sa Tanaueñong Bayani na ating maituturing, personal na nag-alay ng bulaklak ang sina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, at pamilya Laurel sa bantayog ni Jose P. Laurel sa Ancestral House nito.
Bukod dito, nakiiisa rin ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at mga kinatawan ng iba’t ibang samahan sa Lalawigan ng Batangas. Habang nagpaabot din ng bulaklak ang mahal na Pang. Bongbong Marcos na kinatawanan ni Cong. Maitet Collantes.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang kinilala ang malaking kontribusyon ni dating Pangulong Laurel at ang pamilya nito sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon sa ating mga kababayang Tanaueño. Aniya, ang kaniyang legasiya ang isa sa maituturing nating inspirasyon upang mas lalong paunlarin ang Lungsod ng Tanauan.
Mabuhay ang ating dating Presidente Jose P. Laurel!
Mabuhay ang Lungsod ng Tanauan!
At mabuhay ang Inang Bayang Pilipinas!