Graduation Ceremony, Tanauan City

Graduation Ceremony at Harvest Festival para sa ating mga magsasakang sumailalim sa Organic Vegetables Production Farming, matagumpay na idinaos!

Kasama ang Office of the City Agriculturist sa pamumuno ni Mr. Sherwin Rimas, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes ang ginanap na Harvest Festival at Graduation Ceremony ng mga magsasakang nagsanay sa loob ng tatlong buwan sa Gender Responsive Farmers Field School on Organic Vegetable Production na ginanap sa Tanauan School of Fisheries bilang handog ng Pamahalaang Lungsod upang turuan sila sa wasto at makabagong paggamit ng mga organikong pataba para sa kanilang pananim.

Noong Nobyembre nitong nakaraang taon nagsimula ang kanilang pagsasanay at ngayon tinatayang nasa 90 ang mga nagsipagtapos at 50 rito ay magkakaroon ng oportunidad na makapaghanapbuhay sa Bansang South Korea.

Kaalinsabay nito ang Harvest Festival bilang selebrasyon sa pagdiriwang ng 23rd Tanauan Cityhood Anniversary kung saan tampok at ibinida ang mga malulusog na inaning mga gulay mula sa kanilang mga pananim na bunga ng kanilang mga natutunang kaalaman sa ating Farmers Field School.

Previous Free Accident and Life Insurance para sa magsasakang Tanaueño!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved