Gender Responsive Consultative for Women of Balele

๐†๐ž๐ง๐๐ž๐ซ ๐‘๐ž๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ข๐ฏ๐ž ๐‚๐จ๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐ƒ๐ข๐š๐ฅ๐จ๐ ๐ฎ๐ž ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐›๐š๐›๐š๐ข๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ž๐ฅ๐ž!

Ngayong araw ng Huwebes ika-04 ng Hulyo, binisita ni Tanauan City Womenโ€™s Coordinating Council President Atty Cristine Collantes ang mga kababaihan ng Brgy. Balele para sa isang ๐—š๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—น๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐——๐—ถ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ด๐˜‚๐—ฒ katuwang ang Gad Tanauan sa pamumuno ni Ms. Vicky Javier.

Kaugnay rito, naisagawa rin ang SWOT Analysis sa pamamagitan ng paggabay ng GAD Tanauan upang malaman ang kasalukuyang estado ng kababaihan at angkop na hanapbuhay sa nasabing barangay katuwang ang Sangguniang Barangay ng Balele sa pamumuno ni Kap. Arthur Lirio katuwang ang kaniyang asawa na si Kapitana Maritess Magpantay Lirio.

Ito ay alinsunod sa Executive Order No. 11 s, 2022 na inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes upang bigyang-kaalaman ang mga kababaihan patungkol sa mga malawakang implementasyon GAD-related laws at mga programa para sa kanilang sektor.

Malugod na ibinahagi at idinulog ng ating mga kababaihan kay Atty. Cristine ang ibaโ€™t ibang pangunahing kabuhayan sa kanilang komunidad kabilang na pagtatahi, paggawa ng Peanut Butter, Bigasan, Dishwashing Liquid making at paggawa ng atsara.

Previous Mayor Sonny attended the Civil Wedding of 6 pairs couple

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version