DSWD AICS ipinaabot ni Congw. Maitet Collantes

DSWD AICS para sa mga Batangueño, tagumpay na ipinaabot ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.

Tagumpay ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development na inihatid ng Tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes para sa 93 mga kababayan natin sa ikatlong distrito ng Batangas.

Personal itong ipinamahagi nina Mayor Sonny Perez Collantes at Atty. Cristine Collantes na kaagapay ng ating Ina ng Ikatlong Distrito sa pagpapaabot ng pinansyal na pangangailangan ng ating mga kababayan tulad ng Hospitalization, medical maintenance at burial assistance.

Samantala, para sa iba pang nais mag-apply ng financial, medical at burial assistance sa Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes, i-click lamang ang link na ito para sa iba pang detalye:
Previous Gender Responsive Consultative for Women of Balele

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version