Gender and Development Orientation para sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, sinimulan ngayong araw kasama si Mayor Sonny at TWCC President Atty. Cristine Collantes
Upang mapanatili ang Gender Sensitivity and Equality sa bawat Tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, ganap nang sinimulan ngayong araw ang Gender and Development Orientation para sa mga kawani nito sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes at TWCC President Atty. Cristine Collantes katuwang ang GAD Tanauan at Tanauan HRMDO.
Bahagi rin ng nasabing aktibidad ang pagbibigay-prayoridad sa mga programa at proyektong poprotekta sa pantay na karapatan ng mga kawani sa lokal na pamahalaan. Layon din nitong maghatid ng kaalaman pa alinsunod sa Gender and Development Plan ng Lungsod, mga polisiyang ipinatutupad sa Pamahalaang Lungsod, Pambansang Konstitusyon at mga umiiral na batas sa ating bansa.
Ayon kay Mayor Sonny, pamamaraan ito ng lokal na pamahalaan upang nasisigurong napapangalagaan ang karapatan ng bawat empleyado at nabibigyan ng oportunidad ang lahat, anuman ang kasarian nito upang maging produktibo sa paghahatid ng serbisyong publiko para sa mga mamamayan.
Habang nagpaabot naman ng suporta si TWCC President Atty. Cristine Collantes sa naturang programa at ginarantiya ang pakikibahagi ng Tanauan Women’s Coordinating Council sa pagpapalakas ng bawat sektor na kinabibilangan ng ating mga kawani.