Expansion ng Taal Lake Circumferential Road Project, tuloy na!
Mula sa inisyatibo ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at DPWH Region IV-A
, kasalukuyan nang pinaghahandaan ang karagdagang konstruksyon ng Taal Lake Circumferential Road sa Ikatlong Distrito ng Batangas, katuwang ang mga lider ng 12 lokal na pamahalaan tulad ni Mayor Sonny Perez Collantes.
Bahagi ng pagpupulong ay ang expansion ng proyekto sa 60 mga Barangay sa Ikatlong distrito, kabilang na ang siyam na lake shore Barangays ng Lungsod ng Tanauan. Habang pinag-aaralan din ng DPWH at ng mga lokal na pamahalaan ang iba’t ibang stratehiya upang ma-relocate din ang mga kababayan nating nakatira sa mga disaster prone area tulad ng Lawa ng Taal.
Ang proyektong ito ay tinatayang nasa 97.37 kilometro na kukunekta sa 10 Bayan at 2 Lungsod na nakapalibot sa Lawa ng Taal. Inaaasahan din magdadala ito ng karagdagang turismo, farm-to-market roads at trabaho para sa ating mga Batangueño.