Free Hearing Assessment at Free Hearing Aids para sa mga PWD sa Lungsod ng Tanauan!
Espesyal na programa ang handog ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang iba’t ibang organisyon kabilang ang Alpha Phi Omega Tanauan Alumni Association, Pambansang Kapisanan ng mga may Kapansanan ng Pilipinas, Audiby Hearing Aid Center, DBF Prosthesis and Braces, Ambagan PH, Organization of PWD – Tanauan City at Women With Disability para sa ating mga kababayang PWDs.
Sa pamamagitan ng PWD Mega Community Project Partnership na inilunsad ng Pdao Tanauan sa pamumuno ni Mr. Alex Lanting katuwang ang City Social Welfare and Development Office at Gender and Development Office, nagsagawa ng Free Hearing Assessment and Free Hearing Aids para sa kanilang sektor.
Layunin nito na patuloy na pangalagaan ang ating mga kababayang may kapansanan at karamdaman upang maiparamdam na palaging kaagapay ang Pamahalaang Lungsod para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.