Educational Assistance para sa mga mag-aaral mula Poblacion 6 at 7, inihatid ng Pamahalaang Lungsod!

Higit 1,531 mga Tanaueñong mag-aaral mula Poblacion 6 at 7 ang personal na binigyan ni Mayor Sonny Perez Collantes ng Educational Assistance ngayong araw katuwang si Third District Chief of Staff Atty. King Collantes at mga Barangay Affairs at City Treasury Office.

Kaisa rin sa pamamahagi nito sina Kon. BGEN L. Ben Corona, Kon. Dra Kristel Guelos at Kon. Eric Manglo.

Bahagi ito ng layunin ni Mayor Sonny na mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang bawat batang Tanaueño sa pamamagitan ng pagahhatid ng suportang pinansyal.

Bukod rito, alinsunod ang naturang programa sa mandato ni Mayor Sonny, na mabigyan ng educational scholarship ang dalawang mag-aaral kada pamilyang Tanaueño.

Previous Educational Assistance para sa mga mag-aaral mula Poblacion 1, 2, 3, 4, at 5, inihatid ng Pamahalaang Lungsod ngayong araw!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved