Donasyong CT Scan Machine para sa mga Tanaueño

Bagong CT Scan Machine para sa ating mamamayang Tanaueño!

Sa pamamagitan ni Mr. Marco Amurao at Dr. Teddy Opulencia, nakipag-ugnayan ang Ako Bicol Partylist ni Cong. Zaldy Co sa ating Punong-Lungsod Sonny Perez Collantes para sa kanilang donasyon na CT Scan Machine na layong tugunan ang pangangailangang medikal ng ating mga kababayan.

Ang naturang kagamitan ay bunga ng maigting na pakikipagtulungan ng ating Punong Lungsod sa mga pribadong sektor upang makapaghatid ng mas maraming programa at serbisyo para sa ating mga kababayan.

Adhikain nito na mabigyan ng bagong kagamitan ang ating mga kababayan upang patuloy na tugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan sa serbisyong medikal.

Previous Gender-Responsive Dialogue for the Women of Brgy. Gonzalez

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved