DOLE TUPAD Payout para sa 400 na mga kababayan sa Ikatlong Distrito, tagumpay na ipinamahagi ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan
Karagdagang 400 na mga Batangueño ang kasalukuyang nakapag-payout sa ilalim ng programang DOLE TUPAD na mula sa Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes at ng Department of Labor and Employment – DOLE, katuwang ang City Government of Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes.
Inisyatibo ito ng ating Ina ng Ikatlong Distrito at ng ating lokal na pamahalaan upang mabigyan ng pansamantalang hanapbuhay ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan sa Lungsod at paligid ng Lawa ng Taal.
Para makasali sa programang TUPAD, maaaring makipag-ugnayan sa Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes at sa ating mga barangay coordinators sa Lungsod ng Tanauan.