Courtesy Call WalterMart Vice President and General Manager Business Development

Pagsulong ng isang Business-friendly Tanauan City, binigyang diin ni Mayor Sonny kasama ang mga opisyales ng Waltermart at Abenson!
Bumisita sa Tanggapan ng mga Mamamayan ngayong araw sina WalterMart Vice President and General Manager Business Development mr. Simplicio T. De Guzman at ABENSON SVP- Finance Mr. Florence D. Sacramed upang makipagtulungan sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes na mas mapalago ang mga trabaho at oportunidad sa Tanauan.
Inihayag din nila sa ating Punong Lungsod na nakahanda silang makipagtulungan para sa pag-unlad ng ating Lokal na Ekonomiya na magbibigay ng kabuhayan sa mga Tanaueño.
Kaugnay nito, patuloy ang pakikipagpulong ng ating butihing Mayor sa mga investor para rumami ang mga developer na lilikha ng maraming oportunidad at para sa pagsulong sa kaniyang adhikain na isang Business-friendly Tanauan City.
Kaniya ring binigyang diin na bukas ang Pamahalaang Lungsod para sa kanilang mga suhestyon at mga kahilingan.
Previous Cash Assistance para sa mga Magsasakang Tanaueño apektado ng kalamidad

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved