Consultative Meeting with Tanauan City People’s Organizations’ Presidents

IN PHOTOS | Consultative Meeting with Tanauan City People’s Organizations’ Presidents
Nagtipon-tipon ngayong araw sa Maligaya Compound ang lahat ng Pangulo ng bawat organisasyon sa Lungsod ng Tanauan para sa Consultative Meeting na inorganisa ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Tanauan CSWD sa pamumuno ni Ms. Vicky Javier.
Bilang parte ng ‘Consultative Leadership’ sa ilalim ng liderato ni Mayor Sonny, ibinahagi ng bawat pangulo ng anim na organisasyong nakilahok ang mga suliraning kinahaharap ng kanilang mga miyembro.
Ayon kay Mayor Sonny, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang tanggapan upang agarang maaksyunan ang mga ito. Kabilang din sa mga sosolusyunan ng Pamahalaang Lungsod ay ang karagdagang livelihood trainings para sa iba’t ibang sektor, karagdagang trabaho at oportunidad para sa pangangailangang medikal ng ating mga kababayan.
Bukod sa pagpupulong, nagpaabot din ang pamahalaang lungsod ng grocery packs sa lahat ng mga Tanaueñong nakiisa sa programa.
Previous Nego-Karts para sa mga Tanaueño, inihatid ng Pamahalaang Lungsod at DOLE-Batangas

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved