CONGRATULATIONS CITY OF TANAUAN!
“2022 ๐ฎ๐จ๐พ๐จ๐ซ ๐ฒ๐จ๐ณ๐จ๐บ๐จ๐ฎ ๐จ๐พ๐จ๐น๐ซ๐ฌ๐ฌ”
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Sonny Perez Collantes at aktibong pakikipagtulungan sa City Disaster Risk Reduction and Management Office 24/7 – Tanauan City, napabilang ang Lungsod ng Tanauan sa mga lungsod na tumanggap ng 22ND GAWAD KALASAG SEAL FOR FULLY COMPLIANT DRRM COUNCILS AND OFFICES.
Ang prestihiyosong pagkilalang ito ay bunga ng pinaigting na pagseserbisyo upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan. Tanging ang Lungsod ng Tanauan ang kinilalang “Fully Compliant” sa buong Ikatlong Distrito ng Batangas samantalang kinilala rin ang Lalawigan ng Batangas bilang “Beyond Compliant Provinces Awardee”.
Ang tagumpay na ito ay isang inspirasyon upang mas pagbutihin pa ang paglilingkod ng bawat kawani ng Pamahalaang Lungsod sa ating mga kababayan.
Mabuhay ang Lungsod ng Tanauan!