HOUSING PROJECT NG PAMAHALAAN NG LUNGSOD NG TANAUAN, TULOY NA TULOY NA!

HOUSING PROJECT NG PAMAHALAAN NG LUNGSOD NG TANAUAN, TULOY NA TULOY NA!
Matagumpay ngayong araw ika-8 ng Nobyembre, 2022 ang presentasyon at pagpupulong ukol sa ilulunsad na ‘Housing Project’ sa Lungsod ng Tanauan.
Naging laman ng pulong ang magsisilbing ‘Floor Plan’ at ang ‘High Rise Design’ ng proyekto kasabay ng plano sa nalalapit na ‘Ground Breaking Ceremony’ sa lokasyon kung saan ito itatayo. Layon nitong maabot ang misyon ng Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Sonny Perez Collantes ang ‘Zero Informal Settler Families’ sa Tanauan.
Bahagi rin ito ng 7 Rays Priority Projects ni Mayor Sonny upang mahandugan ng maayos na tirahan ang mga kababayan nating lubos na nangangailangan at mga nakatira sa disaster prone areas.
Ito ay dinaluhan ng mga kawani at opisyal ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa pangunguna ni USEC Atty. Lyle Dasco, City Engineering Office—ENGR. Roberto Vergara at City Planning and Development Office— Ms. Aissa Leyesa.
Previous Oathtaking ng mga bagong Opisyales ng Federation of Barangay Health Workers

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved