03 OCT 2022 | TANAUAN CITY’S 12TH FLAG RAISING CEREMONY

03 OCT 2022 | TANAUAN CITY’S 12TH FLAG RAISING CEREMONY
Bagaman makulimlim ang panahon, masiglang pinasinayaan ni Mayor Sonny Perez Collantes ang unang pagtataas ng watawat ng Pilipinas para sa Buwan ng Oktubre.
Binigyang-pagkilala naman ng Pamahalaang Lungsod ang Tanauan LGU Voleball Teams na nagkamit ng ikalawang pwesto para sa Women’s Division at ikatlong pwesto naman sa Men’s Division sa katatapos lang na 2022 Inter-LGU Volleyball League – 1st Lipa City Invitational Volleyball Tournament.
Habang masayang ibinahagi ni Mayor Sonny ang kauna-unahang Serbisyong Publiko Caravan na isinagawa sa Brgy. Ambulong, gayundin ang kaniyang nakakaaliw na karanasan sa naganap na selebrasyon para sa ika-122 na anibersaryo ng Philippine Civil Service at nagpasalamat sa lahat ng kawaning nakiisa rito kung saan naiparamdam ang importansya sa bawat kawani. Inanunsyo rin ang mga tanggapang na nanalo sa Platong Pinoy Cooking Challenge at Pistang Pinoy Office Decoration Contest:
Platong Pinoy Cooking Challenge
GRAND WINNER – City Planning and Development Office (CPDO)
1ST PLACE – City Treasury Office
2ND PLACE – Sangguniang Panlungsod
Pistang Pinoy Office Decoration Contest
GRAND WINNER – Tanauan Trading Post
1ST PLACE – Business Permit and Licensing Office (BPLO)
2ND PLACE – City Planning and Development Office (CPDO)
Samantala, binanggit rin ni Mayor Sonny ang kaniyang pagbisita sa ating Traffic enforcer na nasagasaan ng walang lisensyang tricycle driver at sinagot na niya ang pampaospital nito. Bukod rito, sa pangunguna ng City Treasurer’s Office ay pormal na sinira ngayong umaga ang mga depektibong timbangan nasabat nitong nakaraang linggo sa Brgy. Poblacion.
Habang nagbigay-anunsyo naman ang City Cooperatives and Livelihood Development Office (Ccldo Tanauan) ng kanilang mga isasagawang aktibidad para sa buwan ng Oktubre bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Cooperative Month.
Bago matapos ang aktibidad, nagkaroon muli ng raffle ang Pamahaalng Lungsod para sa mga kawani nito kung saan ipinamahagi ang 30 grocery sets, at mga appliances tulad ng plantsa, rice cooker, standfan, Gas stove, TV.
Previous SPORTS | TANAUAN CITY BASEBALL TEAM COACH PITCH DIVISION, WAGI BILANG 1ST RUNNER UP!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved