Basic Sewer’s Training, patuloy na isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod para sa mga Tanaueño

Basic Sewer’s Training, patuloy na isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod para sa mga Tanaueño
Kasalukuyang isinasagawa simula nitong nakaraang linggo ang Basic Sewer’s Training na inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes at City Cooperatives and Livelihood Development Office (Ccldo Tanauan) na mabigyan ng karagdagan kaalaman at kasanayan ang ating mga kababayan.
Tinatayang 20 na mga kababayan natin ang nakibahagi sa 10-day training nito na nahahati sa dalawang batch. Naging posible ito sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod sa Growing Women’s Livelihood (GLOW) at Darasa Multi-Purpose Cooperative sa pagbibigay ng kaalaman at tamang pamamaraan ng pananahi at paggamit ng makina.
Nagpapasalamat din ang lokal na pamahalaan sa pag-agapay ng Sangguniang Barangay ng Maugat sa pamumuno ni Kap. Mel Mangubat at Sangguniang Barangay ng Darasa sa pamumuno ni Kap. Lowie Flores upang mabigyan ng training area ang ating mga kababayan.
Previous Land Reclassification, Annual Investment Plan 2023 at Endorsement of ELA 2022-2025

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved