Brigada Eskuwela 2024 inihandog ni Vice President Atty. Cristine Collantes

Bilang pakikiisa sa Brigada Eskuwela 2024, personal na inihandog ni Batangas Provincial Women’s Coordinating Council Vice President Atty. Cristine Collantes sa Maria Paz Elementary School ang mga karagdagang kagamitan gaya ng pintura, paint brush at mop upang magamit para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Kasabay nito ang paglilibot ni Atty. Cristine sa mga pasilidad ng nasabing Paaralan, upang tingnan at suriin ang sitwasyon para malaman ang mga pangunahin nilang pangangailangan mula sa Lokal na Pamahalaan.
Previous Barangay Pantay Bata and Team KABSAT/ MPBL All Star Exhibition Game!

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved