Alinsunod sa patuloy na suporta sa sektor ng Edukasyon, pinangunahan ngayong araw ni 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes bilang kinatawan ni Mayor Sonny Perez Collantes ang matagumpay na blessing and turn-over ceremony ng bagong school building para sa Tanauan South Central School kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Jun-Jun Trinidad Jr..
Ang aktibidad na ito ay dinaluhan rin nina Assistant School Division Superintendent Mr. John Carlo Paita, SPTA officers, mga punong barangay mula Poblacion 1-7, mga guro ng naturang paaralan sa pangunguna ni School Principal Ms. Francia Marfa at mga mag-aaral.
Ang two-storey, 10 classrooms na school building ay isa sa mga school buildings na kasalukuyang ipinatatayo sa Lungsod ng Tanauan mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny sa pamamagitan ng Special Education Fund na layong bigyan ng maayos na pasilidad ang ating mga mag-aaral na Tanaueรฑo.
Sa kasalukuyan, ang pasilidad na ito ay mayroon na ring glass boards at arm chairs na maaari nang magamit ng mga mag-aaral ngayong Taong Panuruan.