Basic Incident Command System (BICS) Training, pinangunahan ni Mayor Sonny!
Upang mapalakas ang disaster response ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, isinagawa nitong Huwebes ang 3-Day Basic Incident Command System (BICS) training na pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang Tanauan CDRRMO.
Kasama ang ating mga resource speakers na sina Mr. Marvin Uriza (Laguna Provincial Health Office), Mr. Edward Landayan (DepEd Tanauan City), at Former Office of the Civil Defese CALABARZON Regional Director Mr. Vicente Tomazar at Training Facilitator mula Office of the Civil Defense CALABARZON Mr. Mark Rafael Sasutona, iba’t ibang pamamaraan patungkol sa communication incident command and response ang ibinahagi para sa ating mga frontline personnel mula sa pamahalaang lungsod ng tanauan, kasama na ang ating mga reservists mula paf 3rd air force wing reserve.
Kabilang sa tinalakay at isinagawang simulation training na ay ang ICS organization and staffing, organizing ICS, managing and assessment of incidents and events, incident/event, organizing and managing resources, at formulation and demonstration of Incident Action Plan.
Bukod rito, layunin din ng pagsasanay na ito na gawing sistematiko ang disaster management and response at maisagawa ang ICS integrated organizational structure sa mga natural na kalamidad na posibleng tumama sa ating lungsod katuwang ang mga emergency and frontline personnel at iba pang ahensya ng pamahalaan.