Educational Assistance, Brgy. Cale, Luyos, Sala at Bilog-bilog

TINGNAN | Educational Assistance, ipinaabot ni Mayor Sonny para sa mga Tanaueñong mag-aaral ng Brgy. Cale, Luyos, Sala at Bilog-bilog
Umabot naman a kabuuang 875 na mga mag-aaral mula Brgy. Cale, Luyos, Sala at Bilog-bilog ang personal na binigyan ni Mayor Sonny Perez Collantes ng Educational Assistance katuwang ang Barangay Affairs, City Treasury Office at mga kawani ng bawat Sangguniang Barangay.
Nakiisa rin sa aktibidad na ito sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, TWCC President Atty. Cristine Collantes at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. BGEN. Ben Corona, Kon. Sam Torres Aquino Bengzon, Kon. Dra Kristel Guelos, Kon. Eric Manglo ay Kon. Czylene Marqueses na ating kabahagi sa malawak na paghahatid ng mga programa para sa sektor ng Edukasyon at para sa ating mga kababayan.
Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny na maghatid ng dekalidad na edukasyon, tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Educational Assistance – dalawa kada pamilyang Tanaueño – sa iba pang mga barangay.
Previous Kabuhayan at oportunidad sa ibang bansa, prayoridad na programa ni Mayor Sonny Perez Collantes

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved