Educational Assistance para sa mga Tanaueñong mag-aaral ng Brgy. Montaña, San Jose, Sulpoc at Suplang

TINGNAN | Educational Assistance, ipinaabot ni Mayor Sonny para sa mga Tanaueñong mag-aaral ng Brgy. Montaña, San Jose, Sulpoc at Suplang.
Umabot sa kabuuang 1,546 na mga mag-aaral mula Brgy. Montaña, San Jose, Sulpoc at Suplang ang personal na binigyan ni Mayor Sonny Perez Collantes ng Educational Assistance kaninang umaga katuwang ang Barangay Affairs, City Treasury Office at mga kawani ng bawat Sangguniang Barangay.
Nakiisa rin sa aktibidad na ito sina 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes, TWCC President Atty. Cristine Collantes at Sangguniang Barangay na ating kabahagi sa malawak na paghahatid ng mga programa para sa sektor ng Edukasyon at para sa ating mga kababayan.
Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny na maghatid ng dekalidad na edukasyon, tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Educational Assistance – dalawa kada pamilyang Tanaueño – sa iba pang mga barangay.
Previous Tanauanderful Pride Month Celebration 2023

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved