Matagumpay na Dishwashing Liquid Training para sa mga kababaihan sa Brgy. Tinurik

Matagumpay na Dishwashing Liquid Training para sa mga kababaihan sa Brgy. Tinurik, binigyang pagkilala ng TCWCC at Pamahalaang Lungsod!
Sa pamumuno ni Mayor Sonny Perez Collantes, mas nabigyang pansin at napakikinggan ang iba’t ibang samahan sa Lungsod kabilang ang Barangay Women’s Coordinating Council –Tinurik, sa pamamagitan ng mga Livelihood Program tulad ngTraining on Dishwashing Liquid Production.
Kaya naman sa pangunguna nina Atty. Cristine Collantes at CCLDO Head Ms. May Teresita Fidelino personal na nagkaroon ng talakayan sa mga miyembro at benipisyrayo ng nasabing samahan upang mas malaman pa ang mga pangangailangan mula sa ating Pamahalaang Lungsod.
Kasabay nito ang pagkilala at paggawad nina Atty. Cristine, BWCC President Nerissa Castillo at Ms. Irene Panganiban ng sertipiko sa mga miyembrong kababaihan na sumailalim sa pagsasanay hinggil sa Dishwashing Liquid Training.
Mabuhay ang mga kababaihan ng Lungsod ng Tanauan!
Previous Mayor Sonny at Congw. Maitet Collantes, pormal nang nanumpa bilang PhilKorEC members

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved