Local AICS para sa 125 na mga Tanaueño, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes

Local AICS para sa mga Tanaueño, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes
Umabot sa kabuuang 125 na mga Tanaueño ang nabigyan ng tulong pinansyal ngayong araw sa ilalim ng programang Local Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang City Treasury Office at Tanauan Social Welfare and Development Office (CSWD).
Nakiisa rin sa naturang pamamahagi sina 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes na nagpaalalang bukas din ang kaniyang Tanggapan para sa mga nais na humingi ng tulong pinansyal para sa medikasyon, hospitalization, at mortuary assistance ng ating mga kababayan.
Habang bukas naman mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan para sa mga Tanaueñong nagnanais makahingi ng tulong mula sa Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan.
Previous Livelihood Training Program, handog ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes para sa mga kababayan nating Persons Deprived of Liberty (PDL)!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved