DOLE TUPAD Payout para sa mahigit 300 na mga Batangueño, tagumpay na naipamahagi ng Pamahalaang Lungsod at ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes
Umabot sa mahigit 300 na mga Batangueño sa Ikatlong Distrito ang kasalukuyang nakapag-payout sa ilalim ng programang DOLE TUPAD na inihatid ng Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes at ng Department of Labor and Employment – DOLE, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes at si 3rd District of Batangas Representative Chief of Staff Atty. King Collantes.
Sa pamamagitan ng programang ito ay nabigyan ng pansamantalang hanapbuhay ang ating mga kababayang nawalan ng pagkakakitaan dulot ng pandemya. Sila rin ay kabahagi ng lokal na pamahalaan upang mapanatiling malinis ang kapaligiran ng ating Lungsod.
Para makasali sa programang TUPAD, makipag-ugnayan lamang sa Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes at sa mga barangay coordinators sa inyong mga bayan.