Federation of Senior Citizens of Tanauan Monthly Meeting

IN PHOTOS | Federation of Senior Citizens of Tanauan Monthly Meeting
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, isinagawa ngayong umaga ang buwanang pagpupulong ng Federation of Senior Citizens ng Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mr. Nardo Mercado upang talakayin ang mga programa at mga benepisyong inihahatid ng lokal na pamahalaan.
Kabilang sa kasalukuyang ipinapaabot ng Pamahalaang Lungsod ay ang agarang pamamahagi ng Birthday Cash Gift at Financial Assistance at mga serbisyong medikal sa ating Tanauan City Mega Health Center tulad ng PSA Testing para sa mga kalalakihan, Tumor Marking test para sa mga kababaihan.
Bukod dito, tinalakay din ng nasabing Samahan ang mga proyektong kanilang isasagawa para sa mga susunod na buwan para sa sektor ng senior citizens.
Samantala, inimbitahan rin ni Mayor Sonny ang ating mga seniors citizens na makiisa sa bubuksang Tanauan Weekend Market sa darating na Biyernes.
Previous Gold Medalist for Aquathlon Mixed Team Relay.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved