Dekalidad na Edukasyon para sa lahat ng Tanaueño, tutukan ni Mayor Sonny at ng ating bagong DepEd Tanauan City SDS Dr. Lourdes Bermudez!

Pagpapalakas ng Sektor ng Edukasyon, magkatuwang na tutukan ni Mayor Sonny at ng ating bagong DepEd Tanauan City SDS Dr. Lourdes Bermudez!
Dekalidad na Edukasyon para sa lahat ng Tanaueño – ito ang tutukan ng ating Local School Board Chair Mayor Sonny Perez Collantes at DepEd Tanauan City SDS Dr. Lourdes Bermudez ngayong taong panuruan 2022-2023.
Kabilang sa bibigyang-aksyon ng lokal na pamahalaan at SDO Tanauan City ay ang pagpapaigting ng Learning Recovery plan sa 59 na pampublikong paaralan sa Lungsod, pag-assess sa kasalukuyang estado ng curriculum, pag-update ng mga teaching strategies para sa mga mag-aaral at iba pang programa para sa sektor ng edukasyon.
Bukod dito, pag-aaralan din ng nasabing mga ahensya ang planong pakikipagtulungan sa iba’t ibang Pamantasan sa Lungsod upang masigurong nakahanay sa itinakdang Teaching Standards ang mga Teaching Programs na inihahatid para sa mga guro.
Previous Tulong Pinansyal, ipinaabot para sa mga Tanaueñong namatayan ng Livestocks

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved