Medical at Burial Assistance sa ilalim ng Local AICS, patuloy na ipinamamahagi ng Pamahalaang Lungsod!
Karagdagang 263 na mga Tanaueño ang nabigyan ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang Local Assistance for Individual in Crisis Situation (AICS) ngayong araw, ika-13 ng Abril.
Ito ay inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, City Treasurer’s Office head Mr. Fernando Manzanero at Tanauan Local Social Welfare and Development head Ms. Vicky Javier. Ang naturang programa ay regular nang aktibidad ng lokal na pamahalaan upang mas mapabilis ang pagpapaabot ng tulong pinansyal para sa ating mga kababayang nangangailangan.
Bukas naman mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan para sa mga kababayan nating nais humingi ng tulong mula sa ating Pamahalaan.