Community Affairs Office, kinilala ang natatanging kontribusyon sa mayamang kasaysayan ng Tanauan sa isinagawang lingguhang pagtataas ng watawat!
Sa pagsisimula ng araw ng Lunes, nakibahagi ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa isinagawang Flag Raising Ceremony ng Batangas PNP Provincial Office at para makiisa upang talakayin ang pagpapaigting ng kaayusan at kapayapaan sa Lalawigan ng Batangas partikular sa Lungsod ng Tanauan.
Kasabay nito ang paggawad ng Tanauan School Division Office sa Tanggapan ng Community Affairs Office bilang pakikiisa sa pagpapakilala at pagpapaunlad sa mayamang kasaysayan ng Lungsod ng Tanauan. Ginawaran din si Ms. Remedios Azul dahil sa kaniyang natatanging kontribusyon bilang manunulat ng “Jose Paciano Laurel (Ang Bayaning Tanaueño)” na magsisilbing Learning Source Material para sa mga mag-aaral ng Grade 1 – 3 sa Lungsod.
Habang, pinaalalahanan naman ni Vice Mayor Atty. JunJun Trinidad ang bawat kawani na ugaliin ang pag-iingat ngayong panahon ng tag-init.
Happy Monday Tanaueños!