Sustainable Livelihood Skills Training for Tanaueñas, Mayor Sonny Perez Collantes

Sustainable Livelihood Skills Training for Tanaueñas

Sustainable Livelihood Skills Training for Tanaueñas, inihatid ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, Mybrush Technology Philippines Inc., FPIP at DOST ITDI
Mula sa inisyatibo ni Tanauan Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes at Mayor Sonny Perez Collantes, kasalukuyang inihatid ngayong araw ang Standard-based Hand Wash Liquid Soap at Hand Sanitizer Production Training para sa 100 mga Tanaueña mula sa 48 mga Barangay sa Lungsod.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng Sustainable Livelihood Skills Training Program ng lokal na pamahalaan kasama ang CCLDO Tanauan, GAD Tanauan at sa pakikipagtulungan ng Mybrush Technology Philippines Inc.at First Philippine Industrial Park (FPIP) na layuning makapaghatid ng pangkabuhayan para sa mga Tanaueña. Bukod sa libreng skills training, hinadugan din ng Mybrush Technology Philippines Inc. ng mga toolkits angmga kinatawan ng 48 mga Barangay na nakilahok sa programa.
Ayon kay Atty. Cristine, sa tulong ng ating mga business locators sa Lungsod ay magkakaroon na ng market ang mga produktong magagawa ng ating mga kababayan at makapaghatid din ng dagdag kita para sa mga Tanaueña. Bukod dito, nakipagtulungan din ang TWCC sa mga kawani mula DOST Industrial Technology Development Institute (ITDI) upang masigurado ang kalidad ng mga mapoprosesong produkto.
Samantala, nakiisa at nagpaabot din ng pasasalamat si Mayor Sonny sa lahat ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod at sa mga pribadong kumpanya sa masigasig nitong pakikibahagi sa mga programang mag-aangat sa antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan tulad ng mga Corporate Social Responsibility (CSR) Programs nito.
Dagdag naman ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, ang mga ganitong programa ay matatwag na “self-sustaining” dahil bukod sa natututo na ang ating mga kababaihan ay naibabahagi din ang mga kasanayan na ito sa ating komunidad.
Previous Nova Schola at Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved