Bagong Campus Administrator, pagsasaayos ng mga pasilidad at mga programa sa loob ng Tanauan City College, tinalakay sa 4th TCC Board of Trustees Meeting
Sa pangunguna ni TCC Board of Trustees Chair Mayor Sonny Perez Collantes, kaniyang inanunsyo sa 4th BOT Meeting ang pagdating ng bagong TCC Campus Administrator na si dating Tanauan City Councilor at TCC BOT member Mr. Jun Goguanco na magiging katuwang sa pagpapatupad ng lokal na pamahalaan sa larangan ng tertiary education.
Habang nagpasalamat naman ang ating Alkalde sa patuloy na serbisyong inihahatid ni Mr. Patrick Mendoza bilang OIC ng nasabing institusyon at ngayo’y bilang kabahagi ng Barangay Affairs Office.
Samantala, tinalakay rin kasama ni City Administrator Mr. Wilfredo Ablao ang nakatakdang konstruksyon ng bagong building at relocation ng Tanauan City College. Ayon kay Mayor Sonny, bukod sa nakatakdang konstruksyon, inaasahan din ang pagsailalim ng old TCC Building sa rehabilitasyon upang maayos ang mga pasilidad nito.
Kabilang din sa partikular na tinalakay ay ang mga programang konektado sa pagpapalakas ng akademikong aspeto nito tulad ng mga sumusunod:
• Computer System/Software at TCC (Enrollment and Grading)
• Status of Biometrics of Faculty Attendance
• List of Teachers to teach for Mid-year 2023-2024
• Final Admission Policies
• Registration of TESDA NC I and NC II Programs
• CHED APPROVED Curriculum effective for the 1st Semester of A.Y. 2023-2024
• Approval of Hiring of three (3) instructors for the TCC Vacancy available
Habang inanunsyo rin ang mga mahahalagang petsa para sa mga aktibidad ng TCC para sa susunod na mga buwan:
• Next BOT Meeting: June 21, 2023
• Start of Mid-year class: June 13, 2023 – July 22, 2023
• Graduation of Batch 2023: July 28, 2023
• Registration for TCC students: July 3, 2023 – August 4, 2023