On-going Budget Hearing, Serbisyo para sa Tanaueño at Kaligtasan para sa darating na 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, tinalakay sa 42nd Flag Raising Ceremony ng Lungsod ng Tanauan
Sa pagsisimula ng ika-42 Regular na Pagtataas ng Watawat sa Lungsod ng Tanauan, malugod na ibinalita ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes na kasalukuyang sinimulan na nitong nakaraang linggo ang Budget Hearing ng bawat Tanggapan ng Pamahalaang Lungsod.
Nakapagpaabot rin ng libreng Pneumonia Vaccine para sa higit 1,000 mga senior citizens at tulong pinansyal para sa higit 300 na mga Tanaueño sa ilalim ng Local AICS. Naging matagumpay rin ang isinagawang blessing and inauguration ng bagong Barangay Hall ng Bagbag.
Tagumpay rin ang isinagawang turn over ceremony ng bagong Police Service Vehicle ng ating Kapulisan at pakikiisa ni Mayor Sonny sa ginanap na Red Link and Red Pass Opening Ceremony ng Aboitiz PowerZone sa Lima Industrial Park.
Habang kinapulong din ni Mayor Sonny ang ating mga Tanaueñong Seasonal Farmers sa Korea na natulungan ng Pamahalaang Lungsod pagdating sa Basic Agricultural Management Skills.
Pirmado na rinang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Tanauan City College at University of Perpetual Help System Dalta-Laguna Campus na magpapaigting sa iba’t ibang programang pang akademiko tulad ng research cooperation, student immersion, at teacher and students seminars at trainings.
Samantala, nakatakdang makipagpulong si Mayor Sonny sa ating mga Kapulisan para sa paghahanda at pananatiling ligtas at payapa ng darating na 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.