41st Flag Raising Ceremony ng Lungsod ng Tanauan

1st Mayor Sonny Perez Collantes Champion’s League at mga Programa ng Tanauan City LGU, tinalakay sa 41st Flag Raising Ceremony ng Lungsod ng Tanauan
Bagaman maulan, tuloy pa rin ang isinagawang Regular Flag Raising Ceremony sa Lungsod ng Tanauan kung saan malugod na ibinalita ni Mayor Sonny Perez Collantes ang ilan sa mga serbisyong inihatid ng Tanauan LGU para sa ating mga kababayan.
Kabilang sa naipaabot ng pamahalaang lungsod ay ang educational assistance para sa 645 na mga kabataan, Loacl AICS para higit 100 mga Tanaueño, DOLE TUPAD mula kay Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, at mga pagpupulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Naging matagumpay rin ang isinagawang 1st Mayor Sonny Perez Collantes Champion’s League kung saan dinaluhan ito ng mga Kabataang Atleta mula sa 48 mga barangay sa Lungsod.
Kaniyang binanggit ang nakatakdang pagsasaayos ng gusali ng Tanauan City Hall, kabilang na ang ilang tanggapan ng lokal na pamahalaan.
Photo by: Sangguniang Panlungsod
Previous 1st Mayor Sonny Perez Collantes Champions League.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved