Mga Kabataang Tanaueñong nagwagi, Estado ng Sagip Pamilya Community Housing Project at Pagsira ng mga nakumpiskang tambutso, bahagi ng 31st Flag Ceremony sa Lungsod ng Tanauan
Malugod na ibinalita ng ating Mayor Sonny Perez Collantes ngayong 31st Flag Ceremony sa Lungsod ng Tanauan ang mga panibagong karangalang muling naiuwi ng ating mga Kabataang Tanaueño mula sa larangan ng sports at akademiko.
Mula sa 10,000 pampubliko at pribadong paaralan sa bansa na naglaban-laban, tagumpay na nasungkit ng mga mag-aaral na sina Jay Benedict Garcia at Maria Mariella Dumaya ng Tanauan City Integrated Highschool ang gintong karangalan sa katatapos lamang na 2023 International Kangaroo Mathematics Competition.
Habang sa katatapos lamang na 2023 Little League Philippines Series National Finals, 4 sa koponan natin ang nakasungkit ng kampeonato sa mga sumusunod na kategorya – Baseball Division, 50/70 Intermediate Baseball, Junior Baseball, at Senior League Baseball at 1st placer naman ang ating Softball team.
Samantala, alinsunod sa City Ordinance No. 09-5 s. 2009, pinangunahan din ni Mayor Sonny ang pagsira ng mga nakumpiskang maiingay na tambutso katuwang ang Sangguniang Panlungsod at PNP Tanauan City Highway Patrol Group.
Masayang ibinalita rin ni Mayor Sonny ang nakatakdang panibagong Groundbreaking para sa development ng Sagip Pamilya Community Housing Project kasama ang DHSUD.
Kabilang din sa kaniyang ibinahagi ay ang naganap na 2022 Exit Conference ng COA sa pamahalaang Lungsod at ang muling pamimigay ng bigas para sa mga pamilya ng mga kawani ng lokal na pamahalaan
Bukod dito, nagpasalamat din ang Alkalde sa agarang pagresponde ng BFP-Tanauan City sa naganap na Bush Fire sa isang subdivision sa Lungsod.