Comprehensive Local Juvenile Intervention Program, tinalakay sa 2-Day Gender Responsive Orientation sa Lungsod ng Tanauan
Alinsunod sa paghahatid ng isang inklusibong komunidad sa Lungsod ng Tanauan, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes kahapon, ika-13 ng Marso ang Gender Responsive Orientation ng Lungsod ng Tanauan na dinaluhan ng ating mga VAWC Officers, Barangay Secretaries at Barangay Council for the Protection of Children members.
Bahagi ng nasabing aktibidad ay ang pagtalakay sa iba’t ibang isyung kinakaharap ng sektor ng kababaihan, mga kabataan at maging ng mga kalalakihan sa ating lipunan.
Kasama rin sa pinag-usapan ay ang pagbuo at pagpapatibay ng isang Comprehensive Local Juvenile Intervention Program para sa Lungsod ng Tanauan na kaugnay sa Republic Act No 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act.
Kaugnay nito, nagsagawa rin ang Pamahalaang Lungsod katuwang ang Tanauan Local Social Welfare and Development ng workshop patungkol dito upang mas mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng ating mga VAWC Officers, Barangay Secretaries at BCPC members sa paghahatid ng systematic social protection programs para sa mga kabataang Tanaueño.