17 OCTOBER 2022 | TANAUAN CITY’S 14TH FLAG RAISING CEREMONY

17 OCTOBER 2022 | TANAUAN CITY’S 14TH FLAG RAISING CEREMONY
“It’s nice to be back!” – ‘yan ang unang katagang binanggit ng ating mahal na Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa kaniyang ulat-bayan ngayong ika-14 na Regular na pagtataas ng Watawat ng Pilipinas.
Sa kaniyang pagbabalik mula Dajeon, South Korea bilang kinatawan ng bansa sa United Cities and Local Governments (UCLG), pinasalamatan niya ang buong pamunuan ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Jun-Jun Trinidad na nagsilbing acting Mayor sa loob ng isang linggo at gayundin kay Kon. Sam Torres Aquino na pansamantalang naging acting Vice Mayor at Presiding officer ng Sangguniang Panlungsod.
Malugod na ibinalita din ng Alkalde na aprubado na ng Sangguniang Panlungsod ang Supplemental Budget No.3 na layuning maghatid ng mas maraming pang programa at proyekto para sa ating mga mamamayan. Habang ayon din kay Mayor Sonny, kasado na ang Computerization ng lahat ng transaksyon ng Pamahalaang Lungsod kabilang na ang permit processing at tax collection.
Samantala, binigyang-pagkilala rin ni Mayor Sonny ang ating mga atletang Tanauenong nagwagi sa iba’t ibang pampalakasan tulad ng mga sumusunod:
MUNTINLUPA BASEBALL & SOFTBALL CLASSIC 2022
CHAMPION – Tanauan City Minor Baseball Team (Age 9 and 10)
1ST BAKUNA CUP
CHAMPION – U13 Division Tanauan City Labuyo Football Team
CHAMPION – U15 Division Tanauan City Labuyo Football Team
1ST MAYOR STRIKE REVILLA’S CUP TABLE TENNIS
CHAMPION – Danaia Erica Reblora (16 Under-Girls)
1ST RUNNER UP – Andrea Eloisa Reblora (13 Under-Girls)
2ND RUNNER UP – Camille Joy Apilo (13 Under-Girls)
Habang ipinangako din ni Mayor Sonny na magiging “Best Christmas to be remembered!” ngayong taon ang selebrasyon ng kapaskuhan sa Lungsod ng Tanauan, mula sa pagbabalik ng Cedera, paglalagay ng makukulay na Chritmas Lights at mga regalong hatid para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan.
By: Ranch
Previous LOOK | Who’s back?

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved