10 Kayak Boat for the 6 lakeshore Barangays

๐๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง๐  ๐‹๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐š๐ญ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž๐ฌ ๐Œ๐š๐ง๐ฎ๐Ÿ๐š๐œ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐‚๐จ. ๐จ๐Ÿ ๐Œ๐ฎ๐ซ๐š๐ญ๐š ๐ˆ๐ง๐œ., ๐ง๐š๐ ๐ก๐š๐ง๐๐จ๐  ๐ง๐  ๐’๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฒ๐š๐ค ๐๐จ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š 6 ๐‹๐š๐ค๐ž๐ฌ๐ก๐จ๐ซ๐ž ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ๐ฌ!

Kasabay ng pagyabong ng Turismo sa ating Lungsod, magkatuwang na inihandog ng Pamahalaang Lungsod at Philippines Manufacturing Co. of Murata Inc. sa pangunguna nina Mr. Masayoshi Koda at Mr. Mitsuki Notsu ang mga bagong sampung (10) Kayak Boat para sa anim na Barangay na nakakasakop malapit sa Lawa ng Taal, alinsunod sa isinagawang Eco-Tourism & Livelihood Program katuwang ang CCLDO, LEDIPO at Community Affairs Office.

Sa pangunguna ng ating City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao bilang kinatawan ni Mayor Sonny Perez Collantes, kaniyang malugod na ipinaabot sa pamunuan ng nasabing kumpanya ang taos pusong pasasalamat para sa patuloy na pag-agapay sa Lokal na Pamahalaan na mapaunlad ang turismo at mabigyan ng karagdagang kabuhayan ang ating mga kababayan.

Ang naturang proyekto ay bunga rin ng patuloy na pakikipagtulungan ni Mayor Sonny sa mga pribadong sektor na layong mapabuti ang antas ng pamumuhay ng ating mga Tanaueรฑo at maipakilala ang mayamang turismo ng Lungsod sa pamamagitan ng ibaโ€™t ibang pang-ekonomiyang aktibidad.

Previous MATATAG Curriculum: School-Based Teachersโ€™ Training

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved