MATATAG Curriculum: School-Based Teachers’ Training

School-Based Teachers’ Training on MATATAG Curriculum Implementation

Alinsunod sa anunsyo ng Department of Education patungkol sa pagpapatupad ng  ngayong taon, isinagawa noong sabado ang School-Based Teachers’ Training sa Tanauan Institute na nilahukan ng 509 na mga Guro sa Lungsod.

Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao, ito ay pagsisimula ng panibagong pagtuklas sa sektor ng Edukasyon at bilang paghahanda ng ating mga Public School Teachers para sa nalalapit na paglulunsad ng MATATAG Curriculum sa buong Bansa.

“Magtulungan tayo para sa pangarap ng ating mga kabataan, para sa magandang bukas ng Lungsod ng Tanauan.” Ito ang pahayag at binigyang diin ni Mayor Sonny Perez Collantes upang patuloy na paigtingin ang pagkakaisa at palawakin ang mga programa para sa pagpapaunlad ng Edukasyon sa Lungsod ng Tanauan.

Previous Cash Incentive for Centenarian of Brgy. Poblacion 5

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved