10-Day Basic Haircutting Training para sa mga Tanaueño

10-Day Basic Haircutting Training para sa mga Tanaueño, nagsimula na!
Nagsimula na nitong Miyerkules, ika-16 ng Nobyembre ang 10-Day Haircutting Training para sa ating 26 na mga Tanaueño na inihatid ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes at sa pamamagitan ng Ccldo Tanauan.
Layon nitong bigyang-kaalaman ang ating mga kababayan sa tulong ng ating mga TESDA Accredited Trainers upang magamit ang mga kasanayan na ito sa kanilang paghahanap-buhay.
Isa rin sa target ng pagsasanay na ito ay ang makapaghatid ng libreng gupit para naman sa ating iba pang mga kababayan tuwing Serbisyong Publiko Caravan na isinasagawa sa bawat barangay.
Previous 18 na mga kababayan natin mula sa iba’t-ibang barangay ang nagtapos ng kursong Hair and Make-Up

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved