Swimwear & Traditional Competition

46 na Tanaueña, nagpasiklaban sa ginanap na Swimwear and Traditional Costume Competition ng Binibining Tanauan 2024!

Naggagandahang kasuotan at pasiklabang rampa ang ipinamalas ng ating 46 na mga mga kandidata sa ginanap na #BinibiningTanauan2024 Swimwear and Traditional Costume Competition na isa sa mga programa ng 23rd Tanauan Cityhood Anniversary.

Tanauan

Ang programang ito ay pinasinayaan ni Mayor Sonny Perez Collantes na layong kilalanin ang ganda, husay at talento ng ating mga Tanaueña sa larangan ng pageantry.

Traditional Competition, Tanauan

Kabilang din sa nakiisa sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Junjun Trinidad, Sangguniang Kabataan sa pangunguna ni SK Federation President Ephraigme Bilog at mga punong barangay ng 46 na barangay sa Lungsod.

Swimwear Competition, Tanauan

Bukod rito, nagsagawa rin ng Casual Interview ang mga hosts sa pangunguna ni Binibining Pilipinas 2017 2nd Runner Up Konsehala Dra. Kristel Guelos-Ramilo at Mr. Aldwin Matanguihan upang mas kilalanin ang ating mga binibini.

Mayor Sonny Collantes, Tanauan

Samantala, mamaya naman ay gaganapin na ang Coronation Night ng Binibining Tanauan kung saan kikilalanin ang mga kandidatang mag-uuwi ng korona sa iba’t ibang kategorya.

Previous Graduation Ceremony at Harvest Festival para sa ating mga magsasakang sumailalim sa Organic Vegetables Production Farming, matagumpay na idinaos!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved