Matapos makamit ang target na mas mataas na kita ng Bagsakan noong nakaraang taon, nagsagawa ng Monitoring at Benchmarking Activity ngayong araw ang Ministry of Agriculture – Consultant mula sa Bansang South Korea sa pangunguna nina PNT Project Manager Steve Park, Ryu Sangmo, Song Cheehong, Kim Jongkwan at Yoon Edward kasama ang Department of Agriculture – Region 4A sa pangunguna ni Ms. Ella Obligado.
Sa maayos na pamamalakad ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang si Tanauan City Trading Post Head Mr. Ruel Micosa at Office of the City Agriculturist Head Mr. Sherwin Rimas, kanilang binisita ang Bagsakan upang suriin ang mga polisiya, patakaran at mga implementasyong umiiral dito. Sinilip din nila ang Price Monitoring sa bawat produktong inilalabas at iniaangkat sa iba’t iba nating karatig na Lugar.
Kanila ring pinuri ang mahusay at maunlad na pamilihan ng Lungsod na malaki ang kapakinabangan para sa paglago ng agrikultura sa Bansa at pagyabong ng Lokal na Ekonomiya ng ating Lungsod.
Habang, kabilang na nakiisa rito at nagpaabot ng mainit na pagtanggap sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at si Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes na kaisa ng ating Punong Lungsod para sa tuloy-tuloy na progreso ng Tanauan.