Bilang pagsisimula ng โNational Disability Right Weekโ sa Lungsod, pinasinayaan ngayong araw nina Mayor Sonny Perez Collantes, TCWCC President Atty. Cristine Collantes at Pdao Tanauan ang isang seminar para sa mga magulang at guardian ng mga differently-abled na kabataan na pinamagatang โFostering Positive and Effective Parenting of Children with Disabilitiesโ.
Mula sa temang โPromoting Inclusion: โCelebrating Abilities and Advocating Accessโ, layon ng aktibidad na ito bigyan ng ibaโt ibang positive parenting advices ang mga kababayan patungkol sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, binigyang-diin nito ang pagkilala sa karapatan at benepisyong dapat natatamasa ngย mga differently-abled na kababayn. Aniya, mahalaga ang suporta ng komunidad upang matulungan ang sektor ng PWD upang mabigyan sila ng angkop na programa batay sa kanilang pangangailanga.
Kabahagi rin sa programang ito ang Philippine Manufacturing Co. of Murata, Tanauan Local Social Welfare and Development sa pamumuno ni Ms. Vicky Javier at mga kinatawan ng ibaโt ibang sektor na kaisa ng Pamahalaang Lungsod sa pagahhatid ng serbisyong publiko para sa bawat pamilyang Tanaueรฑo.