๐๐ฎ๐๐ต ๐ถ๐ป๐ฐ๐ฒ๐ป๐๐ถ๐๐ฒ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฒ๐ป๐ถ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐ฟ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ฅ๐ฅ๐ฃ-๐๐๐๐ , ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐ป๐ถ ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ฆ๐ผ๐ป๐ป๐ ๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ ๐๐ผ๐น๐น๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐ ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐!
Naging matagumpay ngayong araw ang pamamahagi ng Cash incentives para sa magsasakang benipisyaryo ng RRP-CCAM mula sa programa ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang ang Tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa โMaitetโ V. Collantes kasama ang Department of Social Welfare and Development Office โ CALBARZON katuwang ang City Social Welfare and Development Office at Office of the City Agriculturist.
Matatandaan nitong Hulyo, nasa 284 na mga kapwa natin Tanaueรฑo ang matagumpay na sumailalim sa interview at orientation para sa Risk Resiliency Program โ Climate Change Adaptation and Mitigation (RRP-CCAM).
Ang nasabing programa ay kabilang sa mga hakbang ng Pamahalaang Lungsod upang maibaba ang Cash-For-Work Programs at matulungan ang ating mga kababayan partikular na ang sektor ng ating mga magsasaka.
Sa pamamagitan nito sila ay magiging katuwang ng ating Lokal na Pamahalaan para sa pangangalaga ng ating kalikasan at kapaligiran upang ma-minimize ang epekto ng Climate Change sa ating Lungsod.
Habang naging katuwang din sa matagumpay na programa si 3rd District of Batangas Representative Chief of Staff Atty. King Collantes na kaisa ng ating Lokal na Pamahalaan para sa mas marami pang mga programa ng Pamahalaang Nasyunal na maihahatid sa ating mga kababayan.